naisip ko na ang isang simpleng araw na naging kuplikado dahil sa ulan ay dapat analisahin natin. pag aralan nating mabuti kung anu ang epekto nito sa simpleng buhay ng isang simpleng estudyante.
ulan. sabi sa google ang ulan ay ang Union List of Artist Names. pero ang ulan na pag uusapan natin ay hindi ito. ito ang pagpatak ng tubig o minsan pagbuhos ng tubig o minsan na paglipat ng dagat sa lupa minus the isda.
una mag sisimula ang inosentang araw sa isang malakas na ulan habang natutulog ka.
unang formula ulan = masarap matulog. siyempre malamig dahil panahon na ng pasko tapos dadagdag pa ang ulan. sarap.
tapos masarap matulog = late na gising. natural. late kang magigising kasi sarap ng tulog mo o kung magising ka man sa oras lolokohin mo ang sarili mo na maaga pa at di ka malelate sabay banggit ng "5 minutes"
malamig + masarap matulog = tamad. ang dating masarap na lamig ng tubig sa umaga ay napalitan na ng tubig na parang galing sa ref. pwede nang inumin sa lamig. kaya mag iinit ka pa ng tubig tapos sabay tulog habang inaantay kumulo ang tubig. tapos susundan ng napakabagal na pagkilos. mabagal maligo, mabagal magbihis at mabagal kumain. nag aabang sa tv at radyo ng announcement na walang pasok.
tapos madadagdagan ang formula ng ulan, ulan = masarap matulog + mahirap mag commute. 45 minutes akong nag antay ng sasakyan kanina. may dumaang ilang bus na bukod sa tayuan ay hindi pa aircon. ayaw ko naman pumasok ng galing sa sauna sa loob ng bus. naligo pa ako kung magpapapawis lang ako. sana nag toothbrush lang ako at umalis na ng bahay.
kasabay ng hirap sa pagsakay ang haba ng biyahe. mahirap magcommute = mahirap sumakay + baha. ang baha ay nahahati sa dalawa, ang sobrang trapik at ang hirap bumaba. anak ng tinapang bansa to, mahirap na sumakay mahirap pa bumaba. mag-aagahan ka pa ng mga mura mula sa driver na na iinis sa trapik.
so ulan = (malamig + masarap matulog) + (mahirap sumakay + [trapik + mahirap bumaba])
sa formula na nakasulat sa taas mapapansin na ito rin ang perpektong formula para ma late ang isang estudyante. to simplify, ulan = late.
ang masama pa sa mas masama. late ako sa unang klase tapos lunch tapos saka na suspend yung sunod kong klase. anak ng tinapa talaga. bumyahe ako ng halos dalawampu't tatlong kilometro para lang kumain sa kfc? nasabi ko na to dati at uulitin ko. gumigising kaming mga estudyante ng maaga para pumasok habang yung mga taong mag a-announce ng suspension ay mahimbing pang natutulog. taops pagkagising nila tatamarin silang pumasok saka sasabihing suspended ang klase. naku naman. gumising naman kayo ng maaga para magsuspend ng klase para lahat tayo masaya. yan ang problema sa bansa natin eh. habang natutulog tayo hindi natin namamalayan at wala tayong pakialam sa pagdurusa ng iba. gumising tayo ng maaga at magsuspend ng klase ng maaga
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment