sino ba sa mga lalaki ang bumibili ng sariling brip? ewan ko sa babae kung kayo bumibili ng sarili niyong brip for girls basta para sakin dyahe bumili ng brip. as in nakakahiya talaga. isipin niyo naman pupunta ka sa mall dederetso kang section ng nagtitinda brip tapos pagdating mo dun puro mga dilag ang andun. waaah. wala po bang mga sales representative na nakakarelate sa feelings ko? wala po bang yung nakakaalam nung pakiramdam kung pano magsuot ng brip? so yun ang unang dahilan. ang sunod na dahilan kung baki diyahe bumili ng brip ay yung mga naka display na picture sa harap ng brief. nakakatakot. para malaman ko itsura nung brip na bibilhin ko kailangan ko tignan yung picture ng lalaking nakasuot ng brief na sa brief nakafocus. yuck. pwede namang hawak niya lang yung brief. pero bakit suot pa? kailangan ko tignan yung hubad na katawan ng lalaking naka display sa lalagyan ng brief. madali lang yung unang dalawang dahilan, ang nakakahiya ay ang mga katagang maririnig mo dun sa mga sales lady. ito ang mga ilan:
1. "sir eto po maganda"
bakit yung suot ko ba panget?
2. "sir, anong size po ba?"
aba ingrata to, anong ibig sabihin niya? anong size, size na pinagsasabi mo diyan? asan ang manager niyo?
3. "sir, bagay sayo to"
aba pano mo nalamang bagay sakin yan? nakita mo na ba akong suot yan? o nag imagine ka na yan lang ang suot ko. aba, aba, aba marami kang kailangan ipaliwanag.
kung kayo ay nakaranas din ng ganitong mga harassment wag mahiyang magcomment at ikwento ang inyong naging karanasan at sama sama tayong kikilos laban sa mga ganitong harassment sa ating mga kalalakihan.
pero dahil mainit ang panahon para mag welga mga nanay na lang natin ipabili natin ng brip natin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment