Wednesday, August 8, 2007

Lite

sinisira ng obsesyon ng tao sa masustansyang pagkain ang aking kinabukasan. lumabas dati sa palabas ni david letterman ang isang ina na nagrereklamo dahil ipinagbawal na sa paaralan ng kanyang anak ang mga jumpfoods.

"have you ever tasted healthy ice cream? it tastes like crap."

isa lang naman ang kinaiinis ko, ang butter ay ginawa na hindi healthy para sa katawan ng tao. ginawa ang butter para barahan ang mga ugat sa puso natin, ginawa ang butter para ma-high blood tayo pag kinain natin it. ang mga ito rin ang dahilan kung bakit masarap ang butter. pero dahil nga kunwari pinapahalagahan ng tao ang kanyang kalusugan naisip nilang mag imbento ng lite na butter. lite ibig sabihin less cholesterol, less fat and less sarap (as in yuck talaga). ang di ko maintindihan ay kung ganito tayo ka health conscious, bakit meron pang naninigarilyo? dagdag pa sa listahan ng mga lite na yan ay ang mga lite na beer. hello? kung health conscious ka talaga hindi ka na iinom ng beer. kahit na dagdagan mo pa ng lite ang pangalan ng beer na iniinom mo mamamatay ka padin ng maaga kung di ka titigil diyan sa pag inom. bakit kailangan nating magpanggap na healthy living tayo? ang mga nabubuhay na healthy ay hindi nakakakain ng masarap. hindi ka kakain ng crispy pata, ng litson, ng sugpo, ng tumutulo na ang laway ko. huwag na tayong magpanggap, kumain tayo ng hindi healthy, kumain tayo ng masarap. i-enjoy natin ang buhay natin. oo iikli nga ang buhay natin pero sino ba naman ang gusto ng mahabang buhay kung sa pilipinas ka pinanganak?

bilang pagtatapos aaminin ko na ang totoo. oo kumain ako ng buttered shrimp at lite butter ang ginamit.

2 comments:

rcboy said...

bilang isang mamamayan ng pilipinas, sumasang-ayon ako sa pahayag mong ang mga pinakamasasarap na pagkain na ating kinakain ay sadyang hindi maganda sa kalusugan.

puta sino ba kakain ng healthy ice cream? kadiri.

sunogbaga said...

oo nga.. tae. kaya ka nga kakain nun kasi gusto mo na mamatay ng maaga aga ng konti.