Friday, August 3, 2007

Ulan at upcat

bakit umuulan twing upcat? pina schedule ba ni roman (UP president) na uulan sa panahon na tatapak ng UP ang mga estudyanteng gustong pumasok ng UP?

tatlong taon na ang lumipas mula nang mangahas akong kumuha ng UPCAT muntik pa akong ma late dahil sa ulan at traffic. halos takbuhin ko pa mula College of arts and letters patungong college of business administration dahil hindi na gumagalaw ang sasakyan sa oval. ang masama pa dun sumasabay ang ulan. pag dating ko ng CBA hindi ko pa alam kung saan ang room ko. kailangan ko pa magtanong sa gwardiya na sa mabuting palad ay meron sa may pinto. frustrated na nanay ata yung guard kaya pinagalitan nya muna ako bago nya ituro kung saan ang room ko.

"bakit naman ngayon ka lang? dapat kanina ka pa andito malapit na magsimula ang exam mo! blah blah blah blah blah... sa second floor sa may dulo"

sarap sagutin ng, napansin mo naman pala na late na ako eh. ang dami mo pang pinagsasabi. humph! di na kita bati! pero mahal talaga ako ng pagkakataon at ilang sigundo bago magsimula ay nakarating na ako sa aking mahabang paglalakbay. pag pasok ko ng silid isa lang ang napansin ko grabe, ang lakas ng aircon. parang isa akong isda na kailangan ipasok sa freezer baka mabilasa. nangyari pa ito matapos akong mabasa sa ulan. nanginginig habang nagtetest dahil sa lamig at dahil sa napapaligiran ako ng mga taong hindi ko kilala. nag "getting to know you" ata sila bago ako dumating dahil parang magkakakilala silang lahat at nagkwekwentuhan pa sila bago magsimula. ngayon alam ko na ang pakiramdam ng isang bagong salta sa bilibid. at sa napapansin nyo ngayon nabuhay naman ako pagkatapos ng exam sa kabila ng lamig, takot at pag iisip kung nasa labas na ba ang nanay ko para sunduin ako at kung kakain ba kami sa jollibee pagkatapos. nang matapos ang exam wala nang ulan. naalala ko hindi nga pala ako sinusundo ng nanay ko.

pero may tanong parin na naglalaro sa isipan ko. bakit umuulan tuwing upcat. meron akong teorya. madalas kong marinig dati na blessings daw ang ibig sabihin ng ulan, marahil blessings ito sa mga makakapasa at makakapasok ng peyups. at sa mga hindi naman makakapasa marahil nangangahulugan ito ng paghuhugas sa kahihiyang habang buhay nilang dadalhin at kailangan na lang nilang mag aral sa new era para kahit paano malapit sa up diliman na ginawa ng kaibigan ko.

kahit ano pa man ang ibig sabihin ng ulan wala na kaming pakialam dun. ang alam lang namin. walang pasok sa UP twing UPCAT kaya mabuhay ang upcat dahil dito wala kaming pasok ngayon at may panahon akong mag sulat ng mga basurang naglalaro sa isip ko.

2 comments:

Anonymous said...

Late din ako nung UPCAT. Alala ko pa, habang umiiyak ang langit umiiyak din ako. Hehe. Lalim! Di ko naman kasi alam kung saan ang Palma Hall nun eh. haha! Kaya ayun, late. traffic pa kasi. tsk. Pero okay lang yun. Kasi ngayon, isa na akong iska. ;P

Grabe! 3 years ago na pala yun. The feeling and the scenes are still clear in my mind.

sunogbaga said...

hehehe.. asteeg. saya talaga ng experience na yun.. sarap ng first time.. hehe