una gusto ko sanang sulatan si chancellor arcadio dahil late na siya nagsuspend ng klase. nasa espanya river na ako nang malaman kong wala nang klase. gusto ko sanang sabihin na:
mahal naming tsanselor, nais ko pong ireklamo ang inyong late na pag gising para ipahayag na walang pasok. alas kwatro pa lang po gising na ako at naghahanda nang pumasok. gusto ko pa po matulog dahil malamig ang panahon pero dahil pinapahalagahan ko ang edukasyon higit sa ano mang bagay sa buhay ko bumangon po ako ng maaga. pero mukhang kayo po ang nahimbing sa pagtulog at nahuli ang pahayag ninyo na walang pasok. sana po sa susunod ay mag iwan ka ng mensahe dito sa aking chatbox para alam ko kung walang pasok. salamat po at magandang umaga.
pero habang nakasakay ako sa bus at iniisip ko kung anong ilalagay sa sulat ko sa kanya ang dami kong napagtanto. nasa ilog espanya na ang bus at wala nang atrasan dahil mataas na ang baha at baka malunod ako. naghihintay lang ako ng lugar na walang baha para makababa na ako pero bigla kong naramdaman ang bigat ng daigdig. parang biglang pasan ko na ang mundo. parang pinagtakluban ako ng ng langit at lupa. sa loob ng aircon na bus at habang umuulan bigla kong nararamdaman na bumugat ang aking pantog. hindi nagtagal at confirmed na! naiihi na nga ako. kaya bukod sa lugar na walang baha kailangan ko maghintay ng lugar na walang baha at merong pwedeng maihian. ano ba yan? parang philo nadagdagan pa ng premise yung pagbaba ko.
habang nakatingin sa baha sa espanya bigla kong naiisip na wala pala akong karapatan na magreklamo kay tsanselor. bukod sa hindi naman ako nagbabayad ng tax sa pilipinas ay hindi pa pala ako ang pinakamalas na tao. buti ako suspended na ang klase. yung ibang tao sa bus meron parin silang pasok. at lalo naman yung mga nasa labas ng bus. isang halimbawa na yung mga nagtatrabaho sa gasolinahan. habang iniisip ko na ang pag uwi ko pagpasok parin ang iniisip nila. dahil sa kaliwanagang nakamit ko sa loob ng bus naisip kong, hindi kaya ako ang susunod na budha? pero kahit anong liwanag pa ng isip ko di nito nabago ang mas maliwanag pang katotohanan na puputok na ang pantog ko.
kailangan ko pa maghintay na makabot ng quiapo para makababa ako sa lugar na walang baha at merong maiihian. pagdating ko ng quiapo pumunta agad ako sa pinakamalapit na chowking (ui! endorsement) para makaihi. hindi naman pinagkait ng manager ang karapatan ko bilang pilipino na makaihi. at dahil sa kabutihang ipinakita nila sa akin ay habang buhay kong tatanawin iyon bilang utang na loob. at iaalay ko ang aking baon para kumain sa chowking paminsan minsan, mga pitong beses sa isang linggo. natapos naman ng maganda ang lahat. parang fairytale story. isa lang ang nakakalungkot. hindi ako makakapasok sa paborito kong subject. (anong subject kaya yun?)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
wala pa ring tatalo sa lumulutang na taeng dumaan sa harapan mo habang naliligo ka sa ilog. hahaha.
next buddha pala ha. haha! karl laugh trip nman ng pnagsusulat m. hwaan m nga si jelle, khit konti lng. joke time.
Post a Comment