dahil napakaikli ng buhay sa mundo siguro kailangan ipagtapat na natin lahat ng kasalanan natin. malay natin maging huli na ang lahat bago pa tayo makapagtapat.
ang kwento ko magsisimula ilang taon na ang nakalilipas (hindi nakakalipas, inuulit ang unang pantig ng unang salita). bata pa ako noon. at isip bata rin. may lakad kami ng ka loveteam ko at pupunta kami ng es-em. dahil mabait ako sinabi ko na susunduin ko siya, hindi iniisip na 300 lang ang laman ng wallet ko. buti na lang 4 na piso lang ang pamasahe mula sa bahay namin hanggang sa bahay nila. (update sa laman ng wallet, 296). napakabilis ng mga pangyayari. nakita ko ang sarili na tumatango ako sa mga sinasabi niya. anak ng teteng, sinasabi niya pala na may kasama siya at kung ok lang ba sa akin. ayun huli na ang lahat para bawiin ang mga nagawa ko na. inisip ko na ok lang. sumakay ulit kami ng jeep papuntang es-em. (update sa laman ng wallet, 280). at kung marunong ka mag math hindi 280 ang laman ng wallet ko kundi 284. pagdating ng es-em nadaanan namin ang silver works. meron siyang isang bracelet na nagustuhan. nang tignan ko ang presyo alam kong hindi ko kayang bilhin. pero dahil magaling ako, may naisip akong paraan. binigyan ko ang ka loveteam ko ng 200 at sinabi ko sa kanya at ng kasama niya na mauna na sila sa sinehan at susunod na lang ako (update sa laman ng wallet, 84). dahil ang utak ko noon ay malaki lang bahagya sa utak ng ipis ay... bumalik ako sa silver works. sinabi ko sa tindira na patingin ako ng bracelet na yun. tapos sinunadan ng patingin din nung isa na sinundan ulit ng patingin po ung isa pa. habang nililito ang tindera palihim na kinuha ko na ang bracelet. sabay sabing sige po sa susunod na lang. papalayo na ako noon pero ang hindi ko alam yung palihim kong pagkuha ng bracelet pala ang magiging mitsa ng buhay ko. hindi ko alam na napansin pala ng tindera ang ginawa ko. tumawag siya ng guwardiya at ako naman habang papalayo na at pakiramdam na nakalusot na ay bigla na lang nagulat sa mga guard na sumalubong sa akin na parang guwardiya sa up na naghahanap ng id. hiniling ko sana na id na nga lang ang hinahanap nila pero hindi, isang bracelet daw ang hinahanap nila. ito siguro ang dahilan kung bakit bad trip ako sa mga guard. habang nasa lugar ako na hindi pa napupuntahan ng mga pangkaraniwang tao, isang lugar na hindi nasisikatan ng araw o ang lugar na kung tawagin nila sa inggles ang twilight zone ay nagdadasal ako na sana biglang may bumagsak na asteroid sa es-em. shit walang bumagsak. bilang solusyun naisip nila na kabitan ako ng malaking name tag na hindi name ang nakalagay, nakalagay ang mga katagang "shop lifter, wag tularan" at pinatayo ako sa kung saan madali akong makikita ng mga tao. shit talaga. pinakanakakahiyang bagay na mangyari sa kung sinuman. nakayuko lang ako buong oras na nakatayo ako dun. ang masama pa sa pinakamasamang nangyari ay biglang dumating ang ka-chorva ko. nang mapansin ako ang nakatayo dun, dahan-dahan siyang lupamit. dahan-dahang itinaas ang mukha kong nakayuko sa kahihiyan. at bigla niya akong sinampal na rinig pang um-echo sa saudi. grabe bilang dagdag sa kahihiyan ang sakit na ginawa niya. pero nagpapasalamat ako sa sampal na yun. dahil sa sampal niya nagising ako. phew.. nananaginip lang pala ako.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
sayang. haha kala ko totoo na. hihingi sana ako nung kopya ng picture mong may nameplate kang hawak. hahaha!!!
Haha. Akala ko din. Bad ka-- sa dream mo. At sino naman ang ka love team mo?
woi karl.
aus.
my ganyan dn akung hapening.
hindi panaginip!
lol. :D
Post a Comment