Wednesday, August 15, 2007

bob ong

ilang tao na ang nagsabi na parang ako si bob ong magsulat. natutuwa ako kasi, ako ikukumpara kay bob ong! wow. yung bantog na manunulat na si bob ong? yung nagsulat ng mga required readings sa mga catholic schools? yung paboritong author ni dan brown at jk rowling? yung iboboto nating presidente sa 2010? oo si bob ong nga yun at inihahalintulad ako sa kanya. wow. ito na siguro ang pangarap ng maraming pinoy na manunulat. at nakamit ko na ito. meron din akong kakaibang nararamdaman na di ko masabi kung ano. makikilala ba akong second bob ong na lang?

a: si karl? ah yung sumusunod sa yapak ng presidente ng pilipinas na si bob ong?
b: oo siya nga yun
a: karl yung medyo gwapo lang kay bob ong pero gaya gaya kay bob ong?
b: oo si karl nga yun

hindi ko naman masisisi ang mga taong nagsasabi sakin na parang ako si bob ong magsulat dahil talagang maraming pareho sa paraan ng aming pagsulat pero may magkaiba kaming dahilan kung bakit ganoon ang paraan namin ng pagsulat. si bob ong ay nagsusulat sa tagalog dahil yun ang wikang naiintindihan ng lahat. ako naman ay nagsusulat sa tagalog dahil umiiwas akong ma nose bleed. tinatawag ni bob ang ang kanyang pagsusulat na pag aaksaya ng tinta ng ballpen tinatawag ko naman ang akin na pag aaksaya ng kuryente.

siguro kaya ganito ang paraan ko ng pagsulat dahil baka idol ko nga si bob ong. oo namamangha ako sa mga obrang ginawa niya. tamang tama ang paghahalo ng mga issues, jokes at panlalait sa sarili. ang paraan ng pagsulat na gustong-gustong basahin ng mga pinoy. malaki ang naging impluwensya ni bob ong sakin. isa siya sa nag-inspire sakin na magsulat din. naisip ko, kung nakakapagpatawa siya sa pagsusulat ng mga bagay na araw-araw nating pinagdaraanan aba ay kayang kaya ko din to. at katulad nga ng gusto kong gawin ang makapagbigay ng aliw sa inyong lahat ay sinundan ko nga ang yapak ni bob ong.

pero dahil sikat na si bob ong sa larangan ito mananatili akong second or third or three hundred fifty-sixth bob ong. kung panlalait man ito o pag hanga hindi ako titigil sa pagsulat dahil hangga't may pinoy na naghahanap ng aliw, patuloy akong magsusulat at magbibigay ng aliw. ano ngayon kung mas sikat, mas magaling magsulat, mas sa lahat ng bagay sakin si bob ong? mas gwapo naman ako sabi ng nanay ko. at habang nabubuhay ang nanay ko, mananatili akong mas gwapo sa kanya.

5 comments:

rcboy said...

yun yon e.

saludo ako sa yo! hahaha!!!

tae palitan mo yang picture ko. hahaha!!!

hindi mo maitatago talaga yang katauhan mo dahil maraming mahilig magbuka ng kanilang bibig. sayang lang pagtatakip ko. hahaha!!!

Anonymous said...

Baka na-offend ka sa sinabi kong para kang si Bob Ong. Compliment yun. =) Heehee. Natutuwa nga ako sa kanya eh.

Teka, sinulatan mo na ba ang chancellor natin? Late ulit pag-announce nung Wed. My golly! Ang ganda ko nun tapos binagyo ako. Naman! xP

septuajerellean said...

hey. i liked this entry. haha. sige, sige. i agree with your mom. mas gwapo ka kay bob ong. heehee.

Paola said...

haha, yes, you do write like bob ong, and compliment nga yon! :D

magpublish ka din kaya ng book? we'll buy! syempre support support lang yan. haha

sunogbaga said...

gulat ako andaming comment.. kala ko maraming kumontra.. hehe..