Tuesday, October 7, 2008

US election

dahil uso na rin yung usapang US presidential election makikisama na rin ako.

kung sa principles and party platform lang ang pag-uusapan kampi ako sa democrats, except same-sex marriage kasi kadiri yun. at kung makakaboto man ako sa elections hindi ibig sabihin iboboto ko na sa barack obama.

pero bago ang main event pag-usapan muna natin ang vice president. sure na akong iboboto ko si sarah palin. kasi hot siya este mas hot siya compared kay joe biden. and for women empowerment ako. sa aking opinyon mali na hindi man lang na consider si hilary clinton para maging vice presidential candidate ng democrats. diba? pano yung mga babaeng umaasa kay hilary? edi lumipat silang lahat kay palin.

balik na tayo sa main event, hindi ko iboboto si obama dahil nakakasuka ang paggamit sa "change" para lang makaakit ng boto. sabi nga ni rudy giuliani parang pinapalabas ng campaign ng democrats na its either "change or more of the same". so pinapalabas nila na voting for mccain is like voting for george bush. or walang gagawin si mccain pagnanalo siya. or dalawa lang ang choices- na alam nating nag arak ng logic ay fallacy of false dilemma.
ikalawa, ayaw kong iboto si obama kasi wala pa siyang napapatunayan sa senate. ilang batas ba ang naipasa ni obama? so kung palpak kang senador ay tumakbo ka bilang presidente? kung sa Pilipinas pa, parang pinatakbo natin si lito lapid bilang presidente. hindi nga nanalo si lito lapid sa makati nakakahiya siguro kung mananalo si obama bilang presidente.
ikatlo, masyadong ambisyoso si obama. kung marami nga siyang gustong gawin o baguhin tulad ng sinasabi niya nakakatakot na ang taong ito ang maging pinakamakapangyarihang tao sa buong mundo sunod kay son goku.

dahil ayaw ko nang nagsusulat ng mahabang post dahil ako mismo hindi nagbabasa ng mahabang post ay hanggang dito na muna ang isusulat ko. kung may idadagdag o kontra magcomment na lamang.

"In politics, there are some candidates who use change to promote their careers. And then there are those, like John McCain, who use their careers to promote change" -sarah palin

No comments: