dahil napakaikli ng buhay sa mundo siguro kailangan ipagtapat na natin lahat ng kasalanan natin. malay natin maging huli na ang lahat bago pa tayo makapagtapat.
ang kwento ko magsisimula ilang taon na ang nakalilipas (hindi nakakalipas, inuulit ang unang pantig ng unang salita). bata pa ako noon. at isip bata rin. may lakad kami ng ka loveteam ko at pupunta kami ng es-em. dahil mabait ako sinabi ko na susunduin ko siya, hindi iniisip na 300 lang ang laman ng wallet ko. buti na lang 4 na piso lang ang pamasahe mula sa bahay namin hanggang sa bahay nila. (update sa laman ng wallet, 296). napakabilis ng mga pangyayari. nakita ko ang sarili na tumatango ako sa mga sinasabi niya. anak ng teteng, sinasabi niya pala na may kasama siya at kung ok lang ba sa akin. ayun huli na ang lahat para bawiin ang mga nagawa ko na. inisip ko na ok lang. sumakay ulit kami ng jeep papuntang es-em. (update sa laman ng wallet, 280). at kung marunong ka mag math hindi 280 ang laman ng wallet ko kundi 284. pagdating ng es-em nadaanan namin ang silver works. meron siyang isang bracelet na nagustuhan. nang tignan ko ang presyo alam kong hindi ko kayang bilhin. pero dahil magaling ako, may naisip akong paraan. binigyan ko ang ka loveteam ko ng 200 at sinabi ko sa kanya at ng kasama niya na mauna na sila sa sinehan at susunod na lang ako (update sa laman ng wallet, 84). dahil ang utak ko noon ay malaki lang bahagya sa utak ng ipis ay... bumalik ako sa silver works. sinabi ko sa tindira na patingin ako ng bracelet na yun. tapos sinunadan ng patingin din nung isa na sinundan ulit ng patingin po ung isa pa. habang nililito ang tindera palihim na kinuha ko na ang bracelet. sabay sabing sige po sa susunod na lang. papalayo na ako noon pero ang hindi ko alam yung palihim kong pagkuha ng bracelet pala ang magiging mitsa ng buhay ko. hindi ko alam na napansin pala ng tindera ang ginawa ko. tumawag siya ng guwardiya at ako naman habang papalayo na at pakiramdam na nakalusot na ay bigla na lang nagulat sa mga guard na sumalubong sa akin na parang guwardiya sa up na naghahanap ng id. hiniling ko sana na id na nga lang ang hinahanap nila pero hindi, isang bracelet daw ang hinahanap nila. ito siguro ang dahilan kung bakit bad trip ako sa mga guard. habang nasa lugar ako na hindi pa napupuntahan ng mga pangkaraniwang tao, isang lugar na hindi nasisikatan ng araw o ang lugar na kung tawagin nila sa inggles ang twilight zone ay nagdadasal ako na sana biglang may bumagsak na asteroid sa es-em. shit walang bumagsak. bilang solusyun naisip nila na kabitan ako ng malaking name tag na hindi name ang nakalagay, nakalagay ang mga katagang "shop lifter, wag tularan" at pinatayo ako sa kung saan madali akong makikita ng mga tao. shit talaga. pinakanakakahiyang bagay na mangyari sa kung sinuman. nakayuko lang ako buong oras na nakatayo ako dun. ang masama pa sa pinakamasamang nangyari ay biglang dumating ang ka-chorva ko. nang mapansin ako ang nakatayo dun, dahan-dahan siyang lupamit. dahan-dahang itinaas ang mukha kong nakayuko sa kahihiyan. at bigla niya akong sinampal na rinig pang um-echo sa saudi. grabe bilang dagdag sa kahihiyan ang sakit na ginawa niya. pero nagpapasalamat ako sa sampal na yun. dahil sa sampal niya nagising ako. phew.. nananaginip lang pala ako.
Monday, August 27, 2007
Wednesday, August 15, 2007
bob ong
ilang tao na ang nagsabi na parang ako si bob ong magsulat. natutuwa ako kasi, ako ikukumpara kay bob ong! wow. yung bantog na manunulat na si bob ong? yung nagsulat ng mga required readings sa mga catholic schools? yung paboritong author ni dan brown at jk rowling? yung iboboto nating presidente sa 2010? oo si bob ong nga yun at inihahalintulad ako sa kanya. wow. ito na siguro ang pangarap ng maraming pinoy na manunulat. at nakamit ko na ito. meron din akong kakaibang nararamdaman na di ko masabi kung ano. makikilala ba akong second bob ong na lang?
a: si karl? ah yung sumusunod sa yapak ng presidente ng pilipinas na si bob ong?
b: oo siya nga yun
a: karl yung medyo gwapo lang kay bob ong pero gaya gaya kay bob ong?
b: oo si karl nga yun
hindi ko naman masisisi ang mga taong nagsasabi sakin na parang ako si bob ong magsulat dahil talagang maraming pareho sa paraan ng aming pagsulat pero may magkaiba kaming dahilan kung bakit ganoon ang paraan namin ng pagsulat. si bob ong ay nagsusulat sa tagalog dahil yun ang wikang naiintindihan ng lahat. ako naman ay nagsusulat sa tagalog dahil umiiwas akong ma nose bleed. tinatawag ni bob ang ang kanyang pagsusulat na pag aaksaya ng tinta ng ballpen tinatawag ko naman ang akin na pag aaksaya ng kuryente.
siguro kaya ganito ang paraan ko ng pagsulat dahil baka idol ko nga si bob ong. oo namamangha ako sa mga obrang ginawa niya. tamang tama ang paghahalo ng mga issues, jokes at panlalait sa sarili. ang paraan ng pagsulat na gustong-gustong basahin ng mga pinoy. malaki ang naging impluwensya ni bob ong sakin. isa siya sa nag-inspire sakin na magsulat din. naisip ko, kung nakakapagpatawa siya sa pagsusulat ng mga bagay na araw-araw nating pinagdaraanan aba ay kayang kaya ko din to. at katulad nga ng gusto kong gawin ang makapagbigay ng aliw sa inyong lahat ay sinundan ko nga ang yapak ni bob ong.
pero dahil sikat na si bob ong sa larangan ito mananatili akong second or third or three hundred fifty-sixth bob ong. kung panlalait man ito o pag hanga hindi ako titigil sa pagsulat dahil hangga't may pinoy na naghahanap ng aliw, patuloy akong magsusulat at magbibigay ng aliw. ano ngayon kung mas sikat, mas magaling magsulat, mas sa lahat ng bagay sakin si bob ong? mas gwapo naman ako sabi ng nanay ko. at habang nabubuhay ang nanay ko, mananatili akong mas gwapo sa kanya.

Wednesday, August 8, 2007
Bagyo
una gusto ko sanang sulatan si chancellor arcadio dahil late na siya nagsuspend ng klase. nasa espanya river na ako nang malaman kong wala nang klase. gusto ko sanang sabihin na:
mahal naming tsanselor, nais ko pong ireklamo ang inyong late na pag gising para ipahayag na walang pasok. alas kwatro pa lang po gising na ako at naghahanda nang pumasok. gusto ko pa po matulog dahil malamig ang panahon pero dahil pinapahalagahan ko ang edukasyon higit sa ano mang bagay sa buhay ko bumangon po ako ng maaga. pero mukhang kayo po ang nahimbing sa pagtulog at nahuli ang pahayag ninyo na walang pasok. sana po sa susunod ay mag iwan ka ng mensahe dito sa aking chatbox para alam ko kung walang pasok. salamat po at magandang umaga.
pero habang nakasakay ako sa bus at iniisip ko kung anong ilalagay sa sulat ko sa kanya ang dami kong napagtanto. nasa ilog espanya na ang bus at wala nang atrasan dahil mataas na ang baha at baka malunod ako. naghihintay lang ako ng lugar na walang baha para makababa na ako pero bigla kong naramdaman ang bigat ng daigdig. parang biglang pasan ko na ang mundo. parang pinagtakluban ako ng ng langit at lupa. sa loob ng aircon na bus at habang umuulan bigla kong nararamdaman na bumugat ang aking pantog. hindi nagtagal at confirmed na! naiihi na nga ako. kaya bukod sa lugar na walang baha kailangan ko maghintay ng lugar na walang baha at merong pwedeng maihian. ano ba yan? parang philo nadagdagan pa ng premise yung pagbaba ko.
habang nakatingin sa baha sa espanya bigla kong naiisip na wala pala akong karapatan na magreklamo kay tsanselor. bukod sa hindi naman ako nagbabayad ng tax sa pilipinas ay hindi pa pala ako ang pinakamalas na tao. buti ako suspended na ang klase. yung ibang tao sa bus meron parin silang pasok. at lalo naman yung mga nasa labas ng bus. isang halimbawa na yung mga nagtatrabaho sa gasolinahan. habang iniisip ko na ang pag uwi ko pagpasok parin ang iniisip nila. dahil sa kaliwanagang nakamit ko sa loob ng bus naisip kong, hindi kaya ako ang susunod na budha? pero kahit anong liwanag pa ng isip ko di nito nabago ang mas maliwanag pang katotohanan na puputok na ang pantog ko.
kailangan ko pa maghintay na makabot ng quiapo para makababa ako sa lugar na walang baha at merong maiihian. pagdating ko ng quiapo pumunta agad ako sa pinakamalapit na chowking (ui! endorsement) para makaihi. hindi naman pinagkait ng manager ang karapatan ko bilang pilipino na makaihi. at dahil sa kabutihang ipinakita nila sa akin ay habang buhay kong tatanawin iyon bilang utang na loob. at iaalay ko ang aking baon para kumain sa chowking paminsan minsan, mga pitong beses sa isang linggo. natapos naman ng maganda ang lahat. parang fairytale story. isa lang ang nakakalungkot. hindi ako makakapasok sa paborito kong subject. (anong subject kaya yun?)

Lite
sinisira ng obsesyon ng tao sa masustansyang pagkain ang aking kinabukasan. lumabas dati sa palabas ni david letterman ang isang ina na nagrereklamo dahil ipinagbawal na sa paaralan ng kanyang anak ang mga jumpfoods.
"have you ever tasted healthy ice cream? it tastes like crap."
isa lang naman ang kinaiinis ko, ang butter ay ginawa na hindi healthy para sa katawan ng tao. ginawa ang butter para barahan ang mga ugat sa puso natin, ginawa ang butter para ma-high blood tayo pag kinain natin it. ang mga ito rin ang dahilan kung bakit masarap ang butter. pero dahil nga kunwari pinapahalagahan ng tao ang kanyang kalusugan naisip nilang mag imbento ng lite na butter. lite ibig sabihin less cholesterol, less fat and less sarap (as in yuck talaga). ang di ko maintindihan ay kung ganito tayo ka health conscious, bakit meron pang naninigarilyo? dagdag pa sa listahan ng mga lite na yan ay ang mga lite na beer. hello? kung health conscious ka talaga hindi ka na iinom ng beer. kahit na dagdagan mo pa ng lite ang pangalan ng beer na iniinom mo mamamatay ka padin ng maaga kung di ka titigil diyan sa pag inom. bakit kailangan nating magpanggap na healthy living tayo? ang mga nabubuhay na healthy ay hindi nakakakain ng masarap. hindi ka kakain ng crispy pata, ng litson, ng sugpo, ng tumutulo na ang laway ko. huwag na tayong magpanggap, kumain tayo ng hindi healthy, kumain tayo ng masarap. i-enjoy natin ang buhay natin. oo iikli nga ang buhay natin pero sino ba naman ang gusto ng mahabang buhay kung sa pilipinas ka pinanganak?
bilang pagtatapos aaminin ko na ang totoo. oo kumain ako ng buttered shrimp at lite butter ang ginamit.

Saturday, August 4, 2007
Ponsaranism part 1
anong hayop ang ginagamit na ornament ang katawan?
estudyanteng natunaw ng pera este rugby ang utak a.k.a. gloring: shir ornament ba kamo ang katawan? rakishta yan shir
hayop nga eh! nagsisimula sa letrang "s"
estudyanteng nakaiwan ng utak sa malacanang este bahay a.k.a. gloring: letter esh? shirena, shir!
mabangis ito! carnivorous!
estudyanteng kinakalawang ang utak a.k.a. gloring: carnivoroush na shirena... edi shokoy yan, shir!
hindi! isipin niyo ang baywalk!
estudyanteng nilunod ang utak sa alak a.k.a. gloring: shush andali lang naman pala! shan miguel beer!
hindi niyo nasagot!
gloring: i'm sorry

Friday, August 3, 2007
Ulan at upcat
bakit umuulan twing upcat? pina schedule ba ni roman (UP president) na uulan sa panahon na tatapak ng UP ang mga estudyanteng gustong pumasok ng UP?
tatlong taon na ang lumipas mula nang mangahas akong kumuha ng UPCAT muntik pa akong ma late dahil sa ulan at traffic. halos takbuhin ko pa mula College of arts and letters patungong college of business administration dahil hindi na gumagalaw ang sasakyan sa oval. ang masama pa dun sumasabay ang ulan. pag dating ko ng CBA hindi ko pa alam kung saan ang room ko. kailangan ko pa magtanong sa gwardiya na sa mabuting palad ay meron sa may pinto. frustrated na nanay ata yung guard kaya pinagalitan nya muna ako bago nya ituro kung saan ang room ko.
"bakit naman ngayon ka lang? dapat kanina ka pa andito malapit na magsimula ang exam mo! blah blah blah blah blah... sa second floor sa may dulo"
sarap sagutin ng, napansin mo naman pala na late na ako eh. ang dami mo pang pinagsasabi. humph! di na kita bati! pero mahal talaga ako ng pagkakataon at ilang sigundo bago magsimula ay nakarating na ako sa aking mahabang paglalakbay. pag pasok ko ng silid isa lang ang napansin ko grabe, ang lakas ng aircon. parang isa akong isda na kailangan ipasok sa freezer baka mabilasa. nangyari pa ito matapos akong mabasa sa ulan. nanginginig habang nagtetest dahil sa lamig at dahil sa napapaligiran ako ng mga taong hindi ko kilala. nag "getting to know you" ata sila bago ako dumating dahil parang magkakakilala silang lahat at nagkwekwentuhan pa sila bago magsimula. ngayon alam ko na ang pakiramdam ng isang bagong salta sa bilibid. at sa napapansin nyo ngayon nabuhay naman ako pagkatapos ng exam sa kabila ng lamig, takot at pag iisip kung nasa labas na ba ang nanay ko para sunduin ako at kung kakain ba kami sa jollibee pagkatapos. nang matapos ang exam wala nang ulan. naalala ko hindi nga pala ako sinusundo ng nanay ko.
pero may tanong parin na naglalaro sa isipan ko. bakit umuulan tuwing upcat. meron akong teorya. madalas kong marinig dati na blessings daw ang ibig sabihin ng ulan, marahil blessings ito sa mga makakapasa at makakapasok ng peyups. at sa mga hindi naman makakapasa marahil nangangahulugan ito ng paghuhugas sa kahihiyang habang buhay nilang dadalhin at kailangan na lang nilang mag aral sa new era para kahit paano malapit sa up diliman na ginawa ng kaibigan ko.
kahit ano pa man ang ibig sabihin ng ulan wala na kaming pakialam dun. ang alam lang namin. walang pasok sa UP twing UPCAT kaya mabuhay ang upcat dahil dito wala kaming pasok ngayon at may panahon akong mag sulat ng mga basurang naglalaro sa isip ko.

bakit usapan sa tabi ng alak at pulutan?
wala lang... gusto ko gumawa ng blog pero wala akong maisip na pangalan eh.. pakialam mo ba kung yun ang naisip ko? kung sa wirdo ako mag isip eh.. anu pa nga bang magagawa mo? sobrang limitado pa ng choices.. andami na kasing mga blog dito.. (halos limang pangalan ang naisip ko lahat nakuha na)
Pero seryoso. ang gusto ko kasi ay makatulong sa tao.. pero di tulad ng mga pulitiko o mga artista na kailangan pang tumakbo para makatulong sa tao gagawa na lang ako ng blog. paano? ewan ko rin kung paano. pero sana may magawa to para maubos ang kurakot sa gobyerno. sana dahil dito umalis lahat ng terorista at lumipat sa amerika kasama yung pinaka notorious na terorista sa mundo. sana dahil dito matakot ang mga bagyo na dumaan sa pilipinas. at sana dahil dito matigil na ang global warming at mag snow sa pilipinas.
Sa totoo lang napansin ko sating mga pilipino kahit wala tayong makain ok na basta merong alak. yun nga ang nakakapag taka. andaming naghihirap. andaming walang makain. pero kahit wala tayong pambili ng pagkain syempre meron tayong pambili ng alak. ayos talaga.
at kahit saang inuman ka pa magpunta walang nag iinuman ang hindi tumatawa na parang huling tawa na nila yun sa buong buhay nila. masaya mag inuman. meron nga tayong sinasabi na pilipino ang pinakamasayahing tao sa mundo. kahit na ano pang mangyari nakangiti parin tayong mga pilipino. pero syempre kung may kasamang alak abot tenga na yung ngiti natin.
ginawa tong blog na to para mapasaya tayong lahat sa kabila ng mga problema natin. na sana kahit pasan natin ang mundo meron tayong nababasa o manunulat na pwede nating pagtawanan. at handa akong maging clown nyo at mapag tawanan makapaglingkod lang sa sambayanang pilipino. para sumahin ang lahat, aasahan ko ang boto ninyong lahat sa darating na eleksyon. lahat tayo mamamatay pero pilipino lang ang mamamatay ng nakangisi

Subscribe to:
Posts (Atom)