Monday, June 9, 2008

walang magawa

kailangan ko maghintay ng thirty minutes. para magsunog ng oras nagbukas ako ng friendster. dahil nagcheck na ako ng friendster 1 hour before walang masyadong pagbabago. hindi naging effective yung pagsusunog ng oras kong yun. nagbukas ako ng multiply na once in a blue moon ko gawin at nakita ang isandaan mahigit na post ng aking mga contacts. akala ko ako lang ang walang matinong magawa. nagulat ako na napakarami palang taong walang magawa sa buhay ang masama pa dun karamihan kakilala ko at contacts ko pa dito sa multiply.

mantakin mo nagagawa nilang magpost ng limang sunud-sunod sa isang araw. wala ba kayong ginagawa sa buhay ninyo? noon hindi ko to pinapansin pero dahil wala nga akong magawa nagbukas ako ng ilang sinulat ng mga taong ito. uso pala rito na ikwento mo kung ano yung napanood mo sa sine. makikita mo title ng post nila yung title ng pelikula at sisimulan nila kung san nila pinanood dudugtungan ng kung sinong kasama nila magsasabing ang ganda ng pelikula (para siguro i kundisyon yung utak na hindi nasayang yung pera nila) at sa huli magtatapos sila ng "grabe, ang saya saya ko talaga today". bwiset. walang pakialam ang mundo sa pinanood mo o kung sinong kasama mo o kung naging masaya ka man, dahil ako hindi ako natutuwa. nag aaksaya kayo ng space sa multiply sa internet at ng oras na sana naging mas produktibo ka.

pero medyo tanggap ko pa yung nagkwento ng napanood nila eh kasi nabibigyan ng idea yung iba kung maganda ba yung pelikula o kung anong klaseng movie yung pinapanood mo. at kung kailangan ko rin ba panoorin yun para may pag-usapan tayo pagnagkita tayo. ang hindi ko talaga maintindihan ay yung nagkukwento ng ginawa nila buong araw. halimbawa "lumabas kami ni ganito, ang saya ko. kumain kami dito, ang saya ko. nag-usap kami ni ganito, ang saya ko" kailangan bang ikwento yung lahat ng bagay na ginawa mo sa buhay mo? or kung magkukwento ka man wala ka bang kaibigan at kailangan sa internet mo pa gawin? payo ko sa inyo, maghanap kayo ng kaibigan. dahil nag-aaksaya kayo ng kuryente kakadutdut diyan sa computer ninyo.

nagmultiply ako kasi wala akong magawa pero mas maraming tao pa pala yung higit na walang matinong magawa kundi mag multiply. bilang pagtatapos nagpapasalamat ako na nakuha ko nga ang gusto ko dahil tapos na yung hinihintay ko. nakapanlait pa ako ng tao. pero bago ako magtapos nais ko lang pong sabihin wala po akong taong tinutukoy. wala lang po akong magawa.

bato, bato sa langit ang tamaan wag magagalit