Saturday, September 15, 2007

math problems?

meron akong natanggap na e-mail at hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung hindi ko yun ilalagay dito. pero bago ang lahat mabuhay kung kanino man unang nanggaling ang e-mail na 'to.

meron dalawang problemang madaling makarelate ang mga pinoy. una problema sa pera at pangalawa ang problema sa math. hindi na natin pag-uusapan yung nauna dahil mauuwi sa pamamalimos ko ng barya-barya galing sa inyo ang usapan. kaya ang problema na lang sa math ang pag-usapan natin.

sinasabing tayong mga pinoy daw ay masayahin kahit merong problema. pero bakit hindi natin gawing yung mismong problema ang gawing katatawanan. katulad ng ginawa ng mga tao sa mga sumusonod na larawan:
tama nga naman. kanselahin ang numero 2 at ang matitira ay ang square root sign. tama sana siya pero nakalimutan niyang gamitin ang utak niya.

medyo luma na ang isang ito. nagkamali siya dahil tinanggal niya ang letrang n at nakalimutan ang numero 1 sa umpisa. ang tamang sagot ay 1six=16

itago natin siya sa pangalang peter. si peter ay isang batang pilosopo. pero dapat siya bigyan ng parangal sa pagpapatawa. kahit ako hindi ko naisip to. ganito lang pala kadali ang mag expand! bakit ba ako nahirapang gawin ito noon? at tignan niyo ang gawa ni peter, naglagay pa siya ng "etc..." na ibig sabihing mas malinaw pa sana ang kanyang sagot kung sa manila paper niya ito nilagay. sayang, mali tuloy si peter dahil kulang sa space ang papel niya.

aba. magaling na bata. sinung magaakala na nakatagilid na 8 lang pala yun. at kung ang 8 ay papalitan ng 5, nakatagilid na 5 lang din ang sagot. payo ko sa nagsagot nito, magbalik loob ka na at tigilan ang pag-gamit ng ipinagbabawal na gamot.
ayon sa isang survey ang mga nahihirapan sa kanilang math subject ang may pinakamalaking probability na magpakamatay. 8 out of 10 sa mga nagpakamatay ay may bagsak sa math. 3 sa sampu ang math din ang dahilan ng pagpapakamatay sabi ng afp. pero dinukot daw sila sabi ng pamilya nila. at ang pinaka importante sa lahat, imbento ko lang ang nakasulat dito.
kayong mga naging math teacher! isinusumpa ko kayo sa pagbibigay ng mahirap na paraan para hanapin ang x sa triangle. akalain mo yun, ganito lang pala kadali un. sus. kung mas maaga ko lang sana nalaman.

kaya kayong lahat ng nahihirapan sa math isipin niyo lang merong mga taong nabibigyan niyo ng kaligayahan sa bawat maling sagot na nilalagay niyo. kaya i-upload niyo nang lahat sa internet nang sabay-sabay nating pagtawanan ang mga bagay na dahilan kung bakit minsan niyong sinubukang tapusin ang inyong buhay.

Tuesday, September 11, 2007

maroons

sinadya kong gayahin ang title ng isang article na nabasa para malinaw na isa 'tong tugon sa mga naisulat ng may akda ng nasabing artikulo.
hindi ako nanood ng UAAP! yan ang sagot ko kapag ito ang topic. hindi naman ako nagsisinungaling kasi sinasadya kong hindi ito panoorin lalo na kung may laro ang isang pamantasan na kapareho ng pangalan ng pinapasukan ko. lalong lalo na ngayong merong makasaysayang pangyayari na magaganap na mas interesante pa sa aswang at tikbalang na kinakasal, ang nalalapit na 0-14 ng nasabing pamantasan. oo, tama yang nilagay ko. hindi yan baliktad. at malapit nang mangyari yan. minsan naisip ko isang letter lang naman ang pinagkaiba ng UP at UE, pwede bang kahit pansamantala lang muna ay E na lang ang gamitin ko? buti sana kung pwede pero hindi eh. kailangan tanggapin ang masakit na katotohanan.
ilang taon na nang huling makatikim ng kampyonato ang UP. estudyante pa si benjie paras noon. retired na si benjie paras ngayon. isang taon na rin nang huling makatikim sila ng panalo. isang taon na lang din lilisanin ko na ang pamantasang ito. ang saklap ng kalagayan ng mga players natin. kasing saklap ng kalagayan ng paaralan natin. ayon sa mga sinulat sa artikulong binasa ko kayang kaya naman daw ng UP na manalo. naniniwala ako pero sa palagay ko protesta nila to sa TOFI. tama! hindi tayo talunan. kinakalampag lang ng mga manlalaro ang UP administration at inihahalintulad ang tindi ng pait na sinasapit ng basketball team sa sinasapit ng mga iskolar ng bayan. isang perpektong excuse para makaiwas sa pang lalait ng ibang paaralan.
pero tama ang sinabi niya, hindi imposible na manalo ang UP. hindi rin imposible na makamit muli ang kampyonato. kailangang lang tumayo at maging bagong benjie paras at kung hindi kaya buong puso tayong sumigaw ng, "test na lang, test na lang!!!"